BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS »

Martes, Marso 8, 2011

Paghihintay



Sa iyong pagdating ako’y naiinip
Laman ng isip sa bawat pag-idlip
Ramdam ko’y hangin sa bawat pag-ihip
Kasama’t kayakap ka sa aking panaginip.

Minuto’t segundo’y aking binibilang
Mga oras ng buhay ko’y handa sa iyo ilaan
Puso’t isip ko’y sa iyo lang inaalay
Kaya ako ngayo’y nagtitiis, naghihintay.

Malayo ka man, iyo sanang tandaan
Ako’y sa iyo at hindi ka iiwan
Kaysarap isipin ika’y kasintahan
Isang regalo, hulog ng langit mula sa Maylalang.

Maubos man ang bituin sa kalawakan
At ang taglay na liwanag ng reynang buwan
Maging ang init ni haring araw sa kalangitan
Nandito pa rin ako, hinding hindi ka bibitawan.

Sa iyong paglayo, huwag sanang maghanap
Ng ibang mamahalin na handang gumanap
Kalagayan ko sana’y iyong isipin
Mahabang paghihintay, handang tiisin.

Ako’y nasasabik sa yakap mo’t halik
Patuloy na maghihintay sa iyong pagbabalik
Aking mga panaginip sana’y magkatotoo
Makapiling ka sa buong buhay ko.

0 (mga) komento: